22 September 2009

Walang Katapusang Panimula



Walang Katapusang Panimula

Ang araw malungkot man sa dapit hapon,
sumisikat pa rin ng walang sawa.
Ang puno’y pangit mang tingnan kung malagasan ng dahon,
basta’t nakaugat, laging handang magsimula ng talbos na sariwa.

Ang bulaklak malanta man ang kariktan
ay nagpapanibagong supang.
Ang langgam maagos man ang kanilang pagkain,
‘di iiyak at ‘di nagsasawang muling mag-imbak.

Ang buhay, binubuo nga nitong araw, buwan at taon,
datapuwa’t maiksing parang bula
ang tagal para hadlangan ang bakas ng kahapong
nalugmok at nagnanais na muling bumangon.

May mga nasira at nangawala,
subalit ‘di mauubusan ng pagkakataon.
Habang buhay, ‘di matatapos ang panimula,
sapagkat walang hanggan itong Kanyang biyaya.

© 2002 ni Franco Coralde Sangreo
(090502)

No comments: