28 September 2010

Tigmak

 Tigmak
Sa bahá’y sindak
sa bubong nagsi akyat
sa luha’y tigmak

© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
Haiku(Filipino) October 14, 2009

Daluyong

Daluyong

Biglang daluyong,
lunod ang sumalubong
sa bahang baon.

© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
Haiku(Filipino)
October 12, 2009

07 May 2010

Punong Trapal

Punong Trapal

 Punum-puno ang mga puno,
hitik sa papel at trapal
ng mga lingkod bayan kuno
pero ubod ng garapal.

Aning anak kong si Keno,
“Di po ba sa puno’y bawal
ang magsabit o magpako
sapagkat ito’y aangal?”

“Tama ka anak,” sagot ko.
“Ako nga ay naduduwal
sa kani-kan’yang estilo’t
di sila dapat mahalal!”

Ang kampanya ay matino
kung kandidato’y may dangal.
Kahit hindi abogado,
basta sa kinder nag-aral.

© 2010 ni Franco Coralde Sangreo
(Isa uling subok sa DALIT_05.07.10_12:49mn