26 January 2012

Kulang sa Limlim


Dila nga'y matalas
ngunit tila 'sang sisiw,
utak ay hulás
tumataga sa hangin
kulang pa nga sa limlim.


012112.fcs.camarin

Ikaw


Sa dinami-daming kahulugan
nitong pag-ibig,
isa lang para sa akin
ang makabuluhan,
iyon ay walang iba kundi

ikaw.

012112.fcs.kalayaaan

Tubóg sa putik


Panáy ang halík,
waláng sawà sa gintong
tubóg sa putik.

011812_fcs_technohub

Bahay Putakti


Bahay
ng putakti,
manipis na putik,
gumuho at naging nitsong
ginto.


111212_fcs_sikatuna

Sinong Bata?


Matanda'y nakasimangot;
problema, kulay ng damít,
habang sa kanyáng paanán;
'sang walang muwáng na paslit,
naglalaróng waláng saplot.

011212_fcs_kamagong

Nagpapadulás


Kapág bundok kumalám,
nagpapadulás
pagdatíng ng tag-ulán.

01.07.12pca

Kapág Umulán


Sa gintò nabubuhay
kapág umulán,
sa lupà namamatáy.

01.06.12pca

04 January 2012

Tag-ani sa Tag-ulan


Ilog at karagatan
puno ng bangkay
tag-ani sa tag-ulan.

01.05.12.fcs.kamagong

Ugong


Umugong itong lupa,
baha bumaba,
nang langit ay lumuha.

01.04.12_fcs_kalayaan

03 January 2012

Waláng Magawà


Meron
pa nga kayang
makapagsasabi,
'wala nga akong magawà',
liban
na nga lamang
sa nangaduduwag,
sa mga tinatamad at
patay.

010312_fcs_ever

02 January 2012

Bago Itapon

Pupulutin ko nga muna ngayon
ang mga aral sa karanasan,
mga bagay na dapat tandaan,
bago ko itapon sa kahapon.
 

01.02.12¤fcs¤kalayaan

01 January 2012

Pawà


Pawà,
tayong lahát
nangangailangan
t'yak, kung hindi pagibig ay
awà.

123011_fcs_kc

Pulburón


T'wing magbabagong taón
noón hanggang sa ngayón,
buong mundo ay lulóng,
bayan hanggang sa nayon,
balót naka balumbon
sa masangsang na pulburón;

pulbura rito, pulborón!

12.29.11_fcs_nso

Agiw Sa Langit


Usok ng lupà
nasagkaán ng hamóg
agiw sa langit.

12.28.11_fcs_Luzon

Katók


Kinakatók ng ulán
ang mga bundok
kahit sa kapatagan.

113011_fcs_Anonas

Minumog


Nilantakán ng sulóg

kawawang bayan

kapataga'y minumog


113011_fcs_Timog

Tagaktak


Batóng hindi mabaak,
mangalulusaw
sa mumunting tagaktak.

112611