14 January 2011

Tsuper na Kapos

Tsuper na Kapos (Haiku Filipino)

Palaging nakabuntot
panay ang tutok,
wala pa ring madampot.

Kung kelan pasahero'y
nasa estribo,
Bigla-biglang tatakbo.

Walang intrega halos
tsuper na kapos,
pareho lang tayo boss.

Kaya sige na naman,
pakibilisan,
tawag ng kalikasan.

ni Franco Coralde Sangreo on Monday, January 3, 2011 at 2:55pm

Tigsik Ko Ang Bagong Taon

 
Tigsik Ko Ang Bagong Taon

Tigsik ko ang bagong taon,
Ila’y paputok ang tugon,
Gamit ang bala’t kwiton,
Pagbagsak sa lupa’y kahon!

Tinigsik ko itong kahon,
yaring lungkot’ mababaon
sa duming galing sa gulong
ng marangyang pagsalubong.