Asó
Araw ay gumigising sa kumpas ng Maykapal,
Araw ay gumigising sa kumpas ng Maykapal,
ngunit namamahinga ng may dangal.
Buwan ay susungaw ng mahinay,
ngunit lilipas pagsilip ng bukang-liwayway.
Kabataan ay kukupas,
tulad ng amor secong malalagas.
Kagandahan ay mawawala,
tulad ng rosas na malalanta.
Amihan ay tumitigil,
habagat ma’y nakikitil.
Kasikatan ay malalaos,
tumitigil kahit ang unos.
Bakit sasayangin ang buhay
gayong ito’y asó na sandaling lilitaw
pagdaka’y sa paningin mawawalay.
Samakatuwid baga’y, tiyak pati pagpanaw.
© 2000 ni Franco Coralde Sangreo
Sa inspirasyon ng: Santiago 4:14
(03312k)
No comments:
Post a Comment