(Akrostik sa malayang taludturan_12.25.09)
24 December 2009
21 December 2009
Kasalanan Sa Ating Kalayaan
Kasalanan Sa Ating Kalayaan
Ang makapatay ng ‘sang kaangkan,
ma’aring paningin ay nadimlan.
Kung pulitika ang s’yang dahilan,
binulag t’yak ng kapangyarihan.
Subalit kung midya na’ng mapaslang,
Kasalanan sa’ting kalayaan.
(Sampuang pantig_12.20.09)
17 December 2009
13 December 2009
Yosi kadiri.
Yosi Kadiri
Bagong disenyo,
sa harap ang tambutso,
mapapaubo,
mapapaangal
pag usok iniluwal,
mapapaduwal.
Yosi kadiri.
© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
(2 Haiku sa anyong Sevenling_12.13.09)
11 December 2009
Masahol Pa Sa Hayop
Masahol Pa Sa Hayop
Ang matinong pag-iisip
Mga binulag nga ba nang lintik?
Pinuno ay naging mababagsik
At ang batas ay nakahalukipkip.
Taumbayan, nagdarahop,
Umaasa minsan sa hayok
At may mga pusong nangabubulok
Ng sistemang masahol pa sa hayop.
© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
Akrostik sa daloy na 8:9:10:11_12.11.09
09 December 2009
Ampatuan Massacre
Ampatuan Massacre
‘Di masaid sa isipan,
gawa nitong mga tulisang
kanlong ng pamahalaan.
Nang sapian ni Lucifer,
mga sangganong nasa poder,
mga biktima’y minasaker,
pinatay kahit reporter.
Parang mga b’wig lang ng saging,
nilantakan ng mga matsing,
tinagpas at isinaing,
sa nakasalang na bangin.
© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
Dalit(8:4) sa 3 saknong_12.09.09
08 December 2009
Tsunaming Usmog
Tsunaming Usmog
Papasok man o pauwî,
pasinghap kong natitimpî.
Pansinin ko man o hindî,
yakap akong nakangiwî.
Asul dati'ng kalangitan,
bihira nyang mabahiran,
ngayon ay karaniwan syang
bahagi ng kalawakan.
Mga mata ay naninimdim,
malabo na ba'ng paningin?
o sadyang langit ay putim,
nasusukluban ng lagim.
© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
Dalit(8:4) sa 3 saknong_12.08.0910 October 2009
Bahang Ondoy
Bahang Ondoy
Sinong mortal ang makasasaway,
Sinong mortal ang makasasaway,
kaninong dunong ang makatataboy
sa nagngingitngit na bahang Ondoy?
Paano aawatin ang daluyong,
kung bawiin nito ang likas niyang daluyang
tinirhan ng madlang hindi nagpaalam?
Nalunod na nga ba'ng utak nitong ilang tuko?
© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
(092609)
04 October 2009
Mga Bisig ng Panahon
Mga Bisig ng Panahon
Ang mga bisig ng panahon
kailanma’y ‘di lilingon sa kahapon.
Wala itong pakialam kung ikaw ay maiwanan,
kung malungkot o masaya ang iyong nakaraan.
Walang kapaguran, tuloy-tuloy ang daloy,
at kung hindi ka sasabay sa indayog,
magiging agiw na lamang ang mga nahabing balak
at magiging bato ang mga gintong iyong hawak.
Hangga’t umiinog pa ang mundo,
may pagkakataong makaguhit ng plano.
Ngunit kung hindi babangon sa anino ng kahapon,
paanong makahahakbang sa ngayon?
Samantalahing may lakas
upang maabot ang bukas na maaliwalas,
dahil habang tumatagal, dumudupok ang mga buto
sa paglipas ng bawat segundo.
© 2002 ni Franco Coralde Sangreo
(090502)
Bus
Bus
Popopop papapap,
singhal nitong ’sang bus
nagaapura’t tila naghahanap ng kasilyas.
Hindi mapigilan ang ilan sa kasikatan,
hari sa malaki o maliit mang lansangan,
laman palagi nitong mga pahayagan
na kumikitil sa mga tagatawid ng kanilang gutom.
© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
(091609)
24 September 2009
Madayang Lansangan
Sa may bandang kalayaan,
karaniwang yaman ay matatagpuan,
masigla at malaya itong kalakalan.
Mag-ingat lang sakaling mapadaan,
sa madayang lansangan ika’y mapaliguan
nitong mga naghuhugas ng sasakyan.
Malawak na lansangan, pakinabang o may nakinabang?
© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
(091609)
22 September 2009
Walang Katapusang Panimula
Ang araw malungkot man sa dapit hapon,
sumisikat pa rin ng walang sawa.
Ang puno’y pangit mang tingnan kung malagasan ng dahon,
basta’t nakaugat, laging handang magsimula ng talbos na sariwa.
Ang bulaklak malanta man ang kariktan
ay nagpapanibagong supang.
Ang langgam maagos man ang kanilang pagkain,
‘di iiyak at ‘di nagsasawang muling mag-imbak.
Ang buhay, binubuo nga nitong araw, buwan at taon,
datapuwa’t maiksing parang bula
ang tagal para hadlangan ang bakas ng kahapong
nalugmok at nagnanais na muling bumangon.
May mga nasira at nangawala,
subalit ‘di mauubusan ng pagkakataon.
Habang buhay, ‘di matatapos ang panimula,
sapagkat walang hanggan itong Kanyang biyaya.
© 2002 ni Franco Coralde Sangreo
(090502)
Sa Panaginip
Sa panaginip, ang ganap na pag-ibig
ay may haplos, may ngiti at tinig
na para lamang sa iyo.
Sa panaginip, ang ganap na pag-ibig ay may bigayan,
bawat uusalin ay pinag-iisipan,
upang maramdamang ika’y mahal kailanpaman.
Sa panaginip, ang ganap na pag-ibig ay malayang maging ikaw,
sa piling ng taong magpaparamdam
ng ganap na buhay kapag iyong kaulayaw.
Ako’y mapalad ngang tunay
at ‘di kailangang managinip ng gising,
‘pagkat ika’y natagpuan na at ngayo’y kapiling.
© 2002 ni Franco Coralde Sangreo
(011802)
Sa Anino ng mga Pangarap
Sa Anino ng mga Pangarap
Alam kong mahirap
dahil ang kalye ay lubak
at madulas lalo na kung paakyat.
Datapuwa’t nais kong tumapak
kahit man lang
sa anino ng aking mga pangarap.
Halos mabiyak ang aking talampakan,
nang lakbayin ko ang nagbabagang daan
habang inaakyat ang ikatlong baitang.
Ngunit hindi ito kasing hapdi
ng mga bitak sa aking puso
na gawa ng pangungulila.
Hindi ko makakalimutan
ang tatlong taong pagtahak
sa daan ng karunungan.
Ang baon ko’y hinihila sa tabing dagat
at hinihingi sa niknik ng pitak.
Naubusan ako, kaya kinain pati bunga ng halakhak.
Lumipas ang ika-apat na taon,
napagtagumpayan ko
ang pakikisama sa atungal ng mga leon.
Kaya tumawid ako sa bisig ng dagat,
ngunit lumiit ang araw, nasunog ang aking balat
at dumilim kaya ako napasinghap.
Habang binabaybay ang karimlan,
may nag abot ng sulô
na nagdulot ng liwanag sa aking puso.
Inalalayan niya ako patungong bukana
hanggang sa mabuo itong aking tiwala.
Sa dulo’y aninag ko ang ’sang hawla, kaya ako’y kumawala.
Ngayo’y binabagtas ang daan sa kabila ng kahapon,
‘lam kong malapit ng matapakan ang anino ng aking mga pangarap,
dahil ang Kanyang biyaya ay sapat mula noon hanggang ngayon.
© 2002 ni Franco Coralde Sangreo
(071202)
© 2002 ni Franco Coralde Sangreo
(071202)
13 September 2009
Asó
Asó
Araw ay gumigising sa kumpas ng Maykapal,
Araw ay gumigising sa kumpas ng Maykapal,
ngunit namamahinga ng may dangal.
Buwan ay susungaw ng mahinay,
ngunit lilipas pagsilip ng bukang-liwayway.
Kabataan ay kukupas,
tulad ng amor secong malalagas.
Kagandahan ay mawawala,
tulad ng rosas na malalanta.
Amihan ay tumitigil,
habagat ma’y nakikitil.
Kasikatan ay malalaos,
tumitigil kahit ang unos.
Bakit sasayangin ang buhay
gayong ito’y asó na sandaling lilitaw
pagdaka’y sa paningin mawawalay.
Samakatuwid baga’y, tiyak pati pagpanaw.
© 2000 ni Franco Coralde Sangreo
Sa inspirasyon ng: Santiago 4:14
(03312k)
Bunga ng Panalangin
Bunga ng Panalangin
Ako’y nangarap pero nabigo,
umiyak pero ‘di tumigil sa paghahanap.
Masarap umibig pero nakakahapo,
lalo na kung sayo’y hindi tapat.
Ngunit nang ika’y dumating,
nawala na ang pangamba
na ako’y iiwan mo rin.
Dahil ikaw ay bunga ng panalangin.
© 2002 ni Franco Coralde Sangreo
Sa inspirasyon ng: Kawikaan 19:14
(01122k2)
10 September 2009
Mahiwagang Pag-ibig
Mahiwagang Pag-ibig
Ang pag-big ay hindi ko madaling maipipinta
pagkat sadyang ito’y mahiwaga.
Nang ibigin kita’y hindi alam
kung saan nagsimula.
Sa hinagap hindi ko man lang pinangarap,
subalit ngayo’y nais kang makasama
sa ginhawa man o hirap.
Pagmamahal ko’y iyong pagtiwalaan,
huwag kang susuko sa anumang paraan
pagkat kung haharap man sa unos na lalaganap,pag-ibig ko’y ‘di na magbabagong ganap.
Sa ating babatahin
huwag panghihinaan,
‘pagkat ang tulong ng Diyos laging maaasahan.
Sa panahong hustong takal
tayo’y haharap sa dambana ng Maykapal
na may galak tunay na walang mapag sidlan,
‘pagkat ang mahiwagang pag-ibig ay atin nang pagsasaluhan.
© 2000 ni Franco Coralde Sangreo
Sa inspirasyon ng: Kawikaan 30:19
(05292k)
Ugnayang Tatsulok
Ugnayang Tatsulok
O Diyos na sa amin’y lumikha,
Kinikilala naming Ikaw ang simula
Nitong wagas na pagsintang gawa,
Sa Iyong sapat na biyaya.
Kaya sa harap nitong dambana,
Nais naming isapuso at kaluluwa
Na Ikaw ang tulay na laging mag-uugnay
Sa pagitan naming dalawa.
At habang nabubuhay,
Tatandaang Ikaw ang bigkis naming matibay
Na magpapatatag sa hamon ng mga pagsubok.
Aalalahanin kahit maputi na ang aming buhok,
Na Ikaw, O Diyos ang laging una sa ugnayang tatsulok.
© 2003 ni Franco Coralde Sangreo
06 September 2009
Sukob
Sukob
Dati'y nag iisa ako
sa gitna ng ulan,
may sumukob
pero agad akong iniwan.
Ngayo'y 'di na ako giniginaw
sa anggi ng ulan,
'di ko na rin pansin ang
hampas ng bagyo.
Dahil nandiyan ka sa tabi ko
naglalaro ka sa panaginip ko
nangungulit ka sa alaala ko
at naglalambing ka sa puso ko.
'Di na rin mahalaga
kung dumaan man ang unos,
'pagkat sukob tayo sa buhay
hanggang ito'y matapos.
sa gitna ng ulan,
may sumukob
pero agad akong iniwan.
Ngayo'y 'di na ako giniginaw
sa anggi ng ulan,
'di ko na rin pansin ang
hampas ng bagyo.
Dahil nandiyan ka sa tabi ko
naglalaro ka sa panaginip ko
nangungulit ka sa alaala ko
at naglalambing ka sa puso ko.
'Di na rin mahalaga
kung dumaan man ang unos,
'pagkat sukob tayo sa buhay
hanggang ito'y matapos.
© 2008 ni Franco Coralde Sangreo
1122efsies08
Subscribe to:
Posts (Atom)