Nakakita ka na ba nang isang bayan na iisa lang ang restoran at ang
putahe ay DINUGUAN lamang? Ang mga kusinero at buong kru dito ay mga
naka kurbata pero naka pajama at halos lahat ay miyembro ng kombo,
malilinis at madalas din naman maghugas ng kamay - lamang, hilaw lang
ang kaya nilang ihain.
Pauna ko lang, walang kasamang kanin ang menu dito kung inaakala mong meron. Pero dahil malawak naman ang kanilang bakurang puno ng palay; puwede ka raw dito mamulot - bawal lang giikin, papakin o lutuin. Ayaw kasi nilang makakita ng ipa bukod sa mahal daw ang mga panggatong. Sandamakmak din ang bigas dito, kaya lang di pwedeng kunin o hingiin dahil baka raw magutom ang mga alaga nilang bokbok.
Dahil sa wala kang mapagpipilian, maghihintay ka talaga ng matagal. Pagdating mo, saka lang nila gigilitan ang baboy sa'yong harapan. Ang kakat'wa dito, parang mga maaamong tupa ang mga baboy. Mas maiingay pa ang mga matadero habang nililibang ng mga kusinero at kru ang mga naiinip na kustomer. Bukod kasi sa matagal nga, wala silang mesa at silya na pwedeng paghintayan. Meron silang upuan pero sa kanila lang.
Pagkatapos makatay ang baboy, itatapon ang laman, itatabi ang tenga, dila at dugo, kukunin ang bituka, sasabunin nang di binabaliktad, tatadtarin at sa sarili nitong mantika, gigisahin. Pagkatapos ibubuhos ang dugo at ibubudbod ang tinadtad na tenga at dila - saka pa lamang maihahain.
Ang kagandahan lang dito, inihahain nila ito ng LIBRE.
Pero kung ayaw mo naman nang iisa nilang putahe, pwede ka sa kanila mag request ng gulay - bubunot lang sila sa kanilang bakuran at ibibigay sa'yo kasama pati yung lupa. Bahala ka nang humimay.
Isa lang talaga ang patakaran nila, BAWAL ANG UMANGAL!
Stlukes.051812.fcs10:02am ·

No comments:
Post a Comment