Habang himbing sa papag,
duyang daluyong
ang yakap sa magdamag.
Habang hele ng ugong,
kandunga'y unos
sinisiklot ng alon.
Dahil sa diwang Babel,
naging kawawa
putikang mga anghel.
12.28.11_fcs_Anonas
(Alay sa mga batang tinangay ng bahang nilikha ni Bagyong Sendong
noong Dec 17, 2011 sa Iligan at CDO)
No comments:
Post a Comment