19 March 2012

Tukso


Kita ng matá
ang pagpipilian
damá ng pusò
ang pagsubok,
ngunit nasa isip
ang pagpili.

031912.fcs.dar

18 March 2012

Tulóg Ang Panaginip


Kahit anupang gawín
hindi ka makagaláw,
halos pag-asa'y tanáw
ngunit lugmok sa dilím,
matamis ang palaták
habang langô sa walâ,

tulóg ang panaginip.


031612.fcs.tsora

04 March 2012

Kapatiran o Kapapatirán?


Saán nga ba sa katawan
naron ang paniniwalà
syang dapat na malatayan;
masubok lang, katapatan?

'San mapapatid ang pintig
ng pananampalatayà
nang mai-ukit ng palò,
sukdulang dugó'y mapatíd

matawag lang na kapatíd?

03.04.12.fcs.kalayaan