02 February 2011

 Makasarili

Tsupi,
'di 'to pwede
na ang bansa'y api
ng inyong makasariling
gawi.


02.02.11
Kakarampot

Sa kakarampot
kahit nabuburingot,
ginhawa’y dulot.

02.02.11

Ah, Ikaw Na Ba Talaga?

 Nang
una kitang
makita,

ang
puso ko ay
pumintig

ng
kakaiba
na wari'y

may
nakabara
na parang

yun
na ang huling
pagtibok

na
magdadala
sa akin


sa
isang mundo
kung  saan,

ang
silanganan
ay ikaw

at
ako itong
kanluran

na
mag iingat
palagi

sa
paghimlay mo’t
pag gising.


Tulang pag-ibig sa sukat na 1-4-3
02.02.11

Kakarindi


Kakarindi

Buhay,
‘kakarindi
ang mga detalye,
lalo na kung wala ka sa
tabi.

Doskwatrosaisotsodos - 
Isang halimbawa ng tulang halaw sa cinquain  
na may sukat na 2-4-6-8-2
02.02.11

01 February 2011


Latang Walang Laman

Matalas man ang unawa
sa lakas walang kapara,
anupa't umaalagwa
ang dunong sa mga salita.

Pero kung puso'y malamlam
bingi't walang pakialam,
ang hatid ay ingay lamang,
parang latang walang laman.

walohan (salin sa tagalog ng Latang Daeng Laog)
110310_11:41PM

Abakada ng Halalan

Agawan
bintangan
kantyawan
dayaan
epalan
gantihan
hantingan
inggitan
lagayan
murahan
nakawan
ngawaan
ombagan
patayan
rindihan
suhulan
takipan
umpugan
waldasan
yabangan

tigatlong pantig
10.25.10

Tigsik sa Makahiya


Tigsik sa Makahiya

Tinigsik ko'ng makahiya,
linisan na't pakuloan,
gamot tiyak na mainam,
sa mga taong walanghiya.

10.08.10_11:10pm

Kahapon