Punong Trapal
Punum-puno ang mga puno,
hitik sa papel at trapal
ng mga lingkod bayan kuno
pero ubod ng garapal.
hitik sa papel at trapal
ng mga lingkod bayan kuno
pero ubod ng garapal.
Aning anak kong si Keno,
“Di po ba sa puno’y bawal
ang magsabit o magpako
sapagkat ito’y aangal?”
“Di po ba sa puno’y bawal
ang magsabit o magpako
sapagkat ito’y aangal?”
“Tama ka anak,” sagot ko.
“Ako nga ay naduduwal
sa kani-kan’yang estilo’t
di sila dapat mahalal!”
“Ako nga ay naduduwal
sa kani-kan’yang estilo’t
di sila dapat mahalal!”
Ang kampanya ay matino
kung kandidato’y may dangal.
Kahit hindi abogado,
basta sa kinder nag-aral.
kung kandidato’y may dangal.
Kahit hindi abogado,
basta sa kinder nag-aral.
© 2010 ni Franco Coralde Sangreo
(Isa uling subok sa DALIT_05.07.10_12:49mn