24 December 2009

Pasko



© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
(Akrostik sa malayang taludturan_12.25.09)

Kapaskuhan


© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
(Akrostik sa 8hang pantig_12.25.09)

21 December 2009

Kasalanan Sa Ating Kalayaan

 
Kasalanan Sa Ating Kalayaan

 Ang makapatay ng ‘sang kaangkan,
ma’aring paningin ay nadimlan.

Kung pulitika ang s’yang dahilan,
binulag t’yak ng kapangyarihan.

Subalit kung midya na’ng mapaslang,
Kasalanan sa’ting kalayaan.

(Sampuang pantig_12.20.09)

13 December 2009

Yosi kadiri.


  Yosi Kadiri

Bagong disenyo,
sa harap ang tambutso,
mapapaubo,

mapapaangal
pag usok iniluwal,
mapapaduwal.

Yosi kadiri.

© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
(2 Haiku sa anyong Sevenling_12.13.09)

11 December 2009

Masahol Pa Sa Hayop


Masahol Pa Sa Hayop

 Ang matinong pag-iisip
Mga binulag nga ba nang lintik?
Pinuno ay naging mababagsik
At ang batas ay nakahalukipkip.
Taumbayan, nagdarahop,
Umaasa minsan sa hayok
At may mga pusong nangabubulok
Ng sistemang masahol pa sa hayop.

© 2009 ni Franco Coralde Sangreo  
Akrostik sa daloy na 8:9:10:11_12.11.09

09 December 2009

Ampatuan Massacre


 
Ampatuan Massacre
(11.23.09)  

‘Di masaid sa isipan, 
sana nga’y palabas lamang,
gawa nitong mga tulisang
kanlong ng pamahalaan.

Nang sapian ni Lucifer,
mga sangganong nasa poder,
mga biktima’y minasaker,
pinatay kahit reporter.

Parang mga b’wig lang ng saging,
nilantakan ng mga matsing,
tinagpas at isinaing,
sa nakasalang na bangin.

© 2009 ni Franco Coralde Sangreo 
Dalit(8:4) sa 3 saknong_12.09.09

08 December 2009

Tsunaming Usmog


Tsunaming Usmog

Papasok man o pauwî,
pasinghap kong natitimpî.
Pansinin ko man o hindî,
yakap akong nakangiwî.

Asul dati'ng kalangitan,
bihira nyang mabahiran,
ngayon ay karaniwan syang
bahagi ng kalawakan.

Mga mata ay naninimdim,
malabo na ba'ng paningin?
o sadyang langit ay putim,
nasusukluban ng lagim.

© 2009 ni Franco Coralde Sangreo
Dalit(8:4) sa 3 saknong_12.08.09