13 January 2013

Talamak

Lansa
ng sistema
ang nilalanguyan
ng talamak at ganid na
bulok.


Cinquain.f.i.c.xiii.s.reg

Sukli


Langit
kahit ngiti
lamang ang sinukli
sa langitngit ng puso kong
sawi.


Cinquain.f.i.c.xiii.s.xiii.kc

07 January 2013

Kung Hindi Ikaw


Masilip ko man kahit ang walang hanggan,
bakas ng bukas maagang madaanan,
walang saysay, lahat walang kabuluhan
kung sa puso ko, hindi ikaw ang tangan.

f.i.c.vii.s.xiii.kc

Mahal Din Kita

Mahal Din Kita

Tuwa ay di mapakali
kimkim ang nilulunggati
magmumula sa’yong labi
salitang katumbas, ngiti.

Dalit.f.i.c.vii.s.xiii.kc

03 January 2013

Bukal



 Bukal

Ang lalim ng pagmamahal;
ang lawak, layo at kapal,
hindi mapigilang bukal
ay pintig sa pusong basal.

Dalit.f.i.c.iv.s.xiii.narra

02 January 2013

Pagsunod

Pagsunod 

Kublihan ang pananalig 
na sinanay sa pagsunod, 
hindi nga maliligalig 
ang tapat na gumagaod. 

Dalit.f.i.c.iii.s.xiii.narra

31 December 2012

Agos


Agos

Patuloy ang agos ng panahon
humihigpit ang mga paghamon
tumataas habang lumalaon,
kaya kailangan na bumangon.

Oo, may magbabago sa taon
maliban sa pagbagsak ng kwiton,
tiyak na magaganap ang layon
kung ibibigay ng Panginoon.


f.xii.c.xxxi.s.xii.tungko

29 December 2012

Usal

Usal

Nararapat lang umusal
ng taimtim na dalangin
kahit damdam ng Maykapal
pangarap na inaangkin
nang mapatunayang tunay
pag-ibig nga ay dalisay.

f.xii.c.xxix.s.xii.kc

28 December 2012

Oo

 Oo

Makamit giliw
ang matamis mong oo
pamatid agiw
sa nilumot kong puso
ayos na buto-buto

tanka.f.xii.c.xxix.s.xii.narra

Regalo

Regalo

Nalibíng mulí sa sulok
ng pansamantalang kislap
at salimbayang palakpak
ang Regalong inaalók.

Tahana'y mulíng nabalot
sa alabok na pabalát,
pusong langó sa halakhak
natubóg ulí sa lungkot.

Kaloob na di malukot
patuloy na maghihintay
biyaya ang ibibigay
sa kanino mang dadampot.

3dalit.f.xii.c.xxviii.s.xii.narra

Patay Lamang

Patay Lamang

Patay lamang ang sawi
kaya umibig lagi
hanggang pilat mapawi

diona_f.xii.c.xxviii.s.xii.kc