Kailan ang tamang panahón, kailan bibigyan ng pansin na tayo'y pawang mga dahon; matutuyô sa maghapon, matapos pitasín ng hangin, lahat sa lupà mababaón?
Kailan mauunawàan na ang pagdatíng at pag alís ay mistulang paták ng ulán, mabubuó at ititigis, mangaglalahò sa hantungan?
No comments:
Post a Comment